GREETINGS BORED!
I'm bored at uubusin ko na lang ang time dito sa net cafe sa pagbati sa mga kinauukulan.
Unang shout out syempre sa mga friends ko sa UCMC mga student ng Nursing, RadTech, HRM, PT at syempre mga Sang'gre ng Midwifery!
Sa mga prof ko...kahit hindi nila ito mababasa. hehe..
HALLU! sa mga barkada ko sa Rosario Pasig,mga students ng Eusebio High School formerly known as RIZAL HIGH SCHOOL ANNEX ROSARIO. Sa mga taga Miriam CollegeSa mga taga St.Scho San Fernandosa aking inspiration ;-)
Sa mga taga Greenland at taga Marick! Cainta Rocks!
Sa mga minamahal ko sa Cubao, Marikina, Mandaluyong at San Fernando Pampanga. (yan lahat ng mga lugar na tinirahan ko)
To Bosing Alex.
To Nanay Jeri and the midwives and staff of Shiphrah Maternity Clinic.
sa lahat ng mga ina
Sa mga kasama (kahit hindi naman talaga ako pormal na kasapi) STP! STR!
at higit sa lahat sa mga kababaihan!
ayan ... yan na lang muna
MMMMMUAH!
UNANG KWENTO: BAKIT AKO NANDITO?
This is may sound like some self-pitying shit pero maraming makaka-relate dito. Kwentong brain drain. This is just some random rantings…because I don’t take writing seriously anymore.
Oo nga pala. I have to stay sharp kasi alay po ito sa ilan sa mga nursing students ng ating henerasyon…
Wala naman talaga akong balak mag-comadrona.
Takot ako sa dugo, sa ospital at sa mga taong naka-puti. Nagka-dengue ako nung 4 years old ako. Three weeks ako sa ospital at hindi ako pwede nun kumain o uminom man lang ng tubig. Swero lang at paminsan-minsang pagdampi ng basang bulak sa bitak-bitak kong labi. Dun ko naranasan na turukan kada oras (every hour on the hour! no joke) para kunan ng blood sample para sa platelet count. Nang magsawa sila sa mga daliri ko sa kamay, sa paa naman! Dun sa kwarto ko sa ospital ako unang nakakita ng maraming maraming ilaw. At wala sa tabi ko ang nanay ko nun kasi kapapanganak pa lang niya (Caesarian Section, sa bunso namin). Waaah! Mamaaaah! Scary. I hate hospitals. I still do.
But I survived that because God wanted me to be a writer. Nahanap ko ang gusto kong gawin sa buhay ko nang isinali ako ng adviser ko sa school paper namin nung Grade 4 ako. Magaling daw kasi ako sa English. Basta ang alam ko lang nun mahilig ako magbasa. Simula nun, hindi na ako tumigil sa pagsusulat. Sinali nila ako sa mga writing at speech contest. Minsan panalo, minsan talo. Para sa’kin naglalaro lang ako pero ang sarap pala manalo. Kahit hindi man siguro ako kikita sa poetry at fiction (first love, but, sadly, you can’t live on love alone), marunong din naman ako sa news, features at editorials. Nagsulat ako para sa school paper (Hi to my dear mentor Bosing!) Nagsulat ako ng mga script ng mga school play. Nagsulat ako ng mga essay. Nagsulat ako ng nagsulat.
Pinakinabangan ko rin ang kadaldalan at lakas ng loob ko. Malapit ako sa mga tao at marunong din mambola. Marunong ako umarte (at maging maarte) at malakas ang loob magsalita. Maliit pa lang ako nagpa-practice na ako nag pagsabing “Sa ulo nga mga nagbabagang balita...” Basta’t may program, nagvo-volunteer ako na mag-host. Ako ang nag-host ng senior prom namin. Kapal lang ng mukha ang kailangan di’ba?
Masarap ang feeling na naishe-share ko ang sarili ko sa iba. Di ko akalain na maa-appreciate din pala ng iba ang mga opinion, thoughts at iba pang eclavung dinadaldal ko. Ang dami kong pwedeng mapuntahan at paglagyan: news, advertising, freelance writing, television (behind the scenes ha), showbiz(?!) etc. Enjoy ka na nga kumikita pa!
Kaya nung matapos ako ng high school (Batch 2003, Rizal High School, no less), nag-enroll ako sa isang M. College sa Quezon City. MassComm, BroadComm o Creative Writing lang ang patutunguhan ko kasi yun lang ang alam ko. At bobo ako sa Math.
Sure na sure na ako nun sa gagawin ko sa buhay ko.
Taong 2004 nagbakasyon ang Tito ko na naka-base sa Sydney kasama ang buong pamilya niya. At dahil sa paborito niya daw akong pamangkin, ganito ang nangyari…
Tito : Os (yung ang nickname niya for me), gusto mo bang kumita ng malaki?
Ako : Opo. Syempre.
Tito : Gusto mo bang mag-abroad?
Ako : Hah? Oo…siguro.
Tito : Alam mo naman siguro na in demand ang nurses sa abroad. Matutulungan basta’t kumuha ka ng nursing, midwifery, radiology, kahit ano basta nasa ganung linya. Para makasunod ka na sa’min sa Australia at matutulungan mo na ang mama mo at mga kapatid mo.
Ako : Po? (flashback ng mga karanasan sa ospital)… ewan. Pag-iisipan ko. (pwedeng lumulon na lang ng nagbabagang pako?)
Kinulit ako to death ng nanay ko. Magaling magpa-ikot ng utak ang nanay ko. Psychology major kasi.
Mama : Anak, pag-isipan mong mabuti.
Ako : Matagal ko nang napag-isipan. Sobrang layo sa linya ko.
Mama : Para din naman sa’yo ito. Hindi naman ito para sa’kin.
Ako : Ma, hindi ko talaga kaya. Takot ako sa dugo. Mahina ang tiyan ko.
Mama : Masasanay ka rin. Napag-aaralan naman ‘yun diba?
Ako : Oo nga. Pero di naman ako magiging masaya.
Mama : Kung gusto mo mag-aral ulit ng hilig mo, sa Australia ka na lang mag-aral. May student loan dun. Magiging imported pa ang diploma mo. Pag naka-ipon ka na at bumalik ka dito, walang TV network na tatanggi sa’yo.
Ako : Ma, mahirap mag-aral habang nagtatrabaho. Iba ang oras ng mga nurses. Nakaka-windang. At mahal ang college dun.
Mama : Kung MassComm talaga ang gusto mo, kailangan determinado ka kahit anong mangyari.
Ako : Ah talgang determinado ako!
Mama : Anak, di naman sa pinipilit kita…
Ako : Ngek! Anong hindi pinipilit?
(Repeat conversation, paikot-ikot 100x)
Ayokong sumuko.
Sumali pa nga ako sa singing contest (sa Siete o sa Dos? Secret!) Suntok sa buwan. Sabi ko, pag nanalo ako dito, hindi na ako kailangan mag-abroad. At katulad ng iba pang suntok sa buwan, bumagsak din ito sa mukha ko. Ni makapag-audition di ako pinayagan ni Lord. Ouch! At least hindi ako outright na rejected. (I still sing from time to time. Serious hobby ko even before I could talk. Sa mga nakakakilala po sa’kin, kayo na mag-husga kung may-K pa akong seryosohin ang pagkanta). Tell you more about this side of me some other time.
I took it as a sign na kailangan ko ng sumuko. At dun ako nakakita ulit ng maraming maraming ilaw. Syeeet! Buong buhay kong pinaghandaan ang MassComm, etc. tapos ganun na lang? At oo, may iyakan blues pa nito.
Sige na nga, kung kailangan ba ng pamilya eh. Pwede pa naman ako magsulat, kahit as hobby na lang. Ayoko namang maglayas kasi wala naman akong K. Sayang din ang libreng tuition. At least ako sigurado nang makakatapos (as far as finances are concerned). SIGE NA NGA!Kaya taong 2004, 2nd year college, 17 years old ako nung ako’y unang namatay.
Kahit zombie na ako, pinilit ko parin magkaroon ng say sa gagawin ko sa buhay ko. Kahit sa maliit lang na bagay. Nag-shopping kami ng school na mapapasukan. Ang mamahal ng tuition, ang lalayo ng mga campus at nakakahilo naman ng requirements ng ibang schools na pinagtanungan namin (Ay ayoko nga po ulitin ang first year! Ano ‘ko, bale?) Ayoko din naman ng bulok na skwela. Kung maraming studyanteng oportunista sa pagbukas ng international labor market sa mga nurses ng Pinas, marami ring negosyanteng oportunista ang nagtayo ng nursing schools… Yung tipong naka-advertise pa sa TV. Quality education daw. Halata namang diploma mill lang na pera lang ang habol sa mga estudyante. In demand nga naman kasi.
Pumili si mama ng malapit-lapit na school. “Para di ka gaanong ma-depress at ma-stress out, anak.” Umm… ok. Unciano Colleges Antipolo. Never heard. Pero pwede na.
Ako naman si sigurista, di ako pumapasok sa isang sitwasyon na hindi ko alam ang pwedeng mangyari. Research research… Tinignan ko sa internet kung pumapasa ba ang mga graduate ng Unciano sa board…70+% pwede na. Meron din silang branch sa Sta. Mesa. Pwede na. Sige na nga!
Tinignan ko rin kung in demand nga sa Australia ang mga nurses. Sa pagre-research ko nakita kong in demand din ang mga midwife. Aba…diba’t two years lang yun? Jackpot! Pagka-graduate ko pwede pa ulit ako mag-aral. Tumawag ako sa Unciano. Three years daw ang Midwifery. Tumingin ulit ako sa ibang school. Two years lang sa iba ang midwifery pero compulsory ang summer classes kaya parang three years din. At ang mamahal, ang lalayo at nakakahilo pa rin ang mga requirements nila. Balik tuloy ako ng Unciano. Napa-isip ako: Three years o four years? Sige, let us not prolong the agony. Three years.
Pumasok ako sa School of Midwifery ng Unciano Colleges Antipolo, June 2004, 2nd year college. 17 years old ako nun. Zombie.
Pero wala pa akong subject ng Midwifery proper nung 2nd year. Kaya wala pa akong alam. Ni hindi ko pa nakilala ng taon na ‘yun ang mga magiging kaklase ko sa Midwifery (It turns out wala pa kami sa isang dosena, spread out in different sections). Naging kaklase ko ang mga nursing students.
My first year in Unciano was depressing. I became bored. They don’t put much stock on their minor subjects. Siguro, to make things easier for froshies and sophies para charged-up sila for the up-hill climb pagdating ng third year. Saving brain cells kung baga. Good thing I had some subjects (and professors) na challenging and some classmates that were amusing and mabait that helped keep my head together.
Adjustment din kasi sa kultura. Nasanay kasi ako sa Quezon City. Oo, nag-aral ako ng Grade 6 hanggang Third year high school sa Pampanga. Pero I was born and raised a city girl. Para sa’kin ang taong urban purely urban, ang rural people talagang pam-probinsiya. Sa Unciano may mga kaklase ako na galing sa kasukalan ng Rizal (hane?), at meron ding galing sa Metro Manila. Ang Unciano ay suburban. Gitna. Confused and confusing.
Maraming nagtatanong sa’kin kung bakit hindi na lang ako nag-nursing eh isang taon lang naman ang difference. Kayang-kaya ko naman daw ang course na ‘yun. Para tumahimik na lang sila lagi kong sinasagot ‘Mas masaya kasi mag-midwife.’ Pero sa totoo lang, malay ko ba? Kahit ako hindi naman talga sigurado sa ginagawa ko. Wala naman silang maitutulong di’ba? Hinayaan ko nalang sila mag-isip ng gusto nilang isipin. Nagmamadali ba si Delle? Oo. Tinatamad ba si Delle? Oo. Ayaw kaya ni Delle ang nursing? Oo! Nagtitipid ba si Delle? Oo rin. Ayoko na nun mag-isip ng isasagot ko sa kanila. I was too busy being a zombie.
Saka ko na lang malalaman na swerte rin pala ako sa pinili ko.
And it wasn’t love at first sight.
Tell you more bout how I fell in love with this profession. Coming Soon.
At you service,
Delle the Kikay Midwife
Ola amigas! My name's Delle, 19 years old from Cainta. Graduating student ako ng Midwifery sa Unciano Colleges Antipolo (malamang you've never heard of my school before, except you're from Antipolo or Sta.Mesa) I'll be graduating October next year (peksy minor subjects kasi) My posts will be a sort of journal of my struggles in this rare, weird, hard yet noble profession of helping women: starting from this sem, until I take the board exams December 2006. I need at least 20 cases of live deliveries before i can take the Board, so far nakaka-12 babies na ako. ^_^. Please pray for me. And of course, ang pinaka-target namin ay women's issues, not just the buntis. If any of you need info on health issues, sex, relationships, business, school, whatever, i have a lot of sources and some experiences which i'd be glad to share with you.At your service,Delle the Kikay Midwifeemail me!furiousdelle@hotmail.com