Delle The Kikay Midwife

My posts will be a sort of journal of my struggles in this rare, weird, hard yet noble profession of helping women: starting from this sem, until I take the board exams. Please pray for me. And of course, ang pinaka-target namin ay women's issues, not just the buntis. If any of you need info on health issues, sex, relationships, business, school, whatever, i have a lot of sources and some experiences which i'd be glad to share with you.

Sunday, December 04, 2005

IKALAWANG KWENTO:
The First Time Ever I Saw Your Face…

No my dear friends, it wasn’t love at first sight with this job I have. I have told you how I hate hospitals and the whole icky yucky bloody idea. Pero I was a zombie when I first entered Unciano so we’re not supposed to feel anything. Funny how zombies can pass subjects. Ask my friends how I did it. Hindi naman ako grade conscious. Hindi rin ako pala-aral. Sabi nga mga isang friend ko parang wala lang daw akong pakialam. Di naman sa ganun. I just wanted (and I still do) to keep my head above water para lang hindi bumagsak kasi nakakahiya naman sa Tito Uro ko na nagpapa-aral sa’kin. It wasn’t much of a sweat, di katulad nung dati na I willingly and lovingly kill my eyeballs para sa mga reading assignments. And like I said, to see me through, there were challenging subjects (and professors!) and amusing classmates. Most of all, noble friends within and without Unciano.


Ahh… wait lang. Hindi ko pa kayo naku-kwentuhan about Health Care 1. Masaya rin ‘yun. I made a lot of friends during that second sem of my stay in Unciano. Dun kami tinuruan ng mga basic concepts ng pagiging health professionals (naks!): concept of man (ahem! Feminist ako kaya dapat concept of HUMAN), concept of health, at maramig pang iba. Dun kami natuto kung paano mag Vital Signs: temperature, pulse, BP, respiration (at nalaman na lang namin sa duty namin na trabaho pala namin to death ang pagkuha ng vital signs!) Dun din kami natuto mag assess ng pasyente, kumausap ng pasyente, magtupi ng kama, magtupi ng pasyente (ay mag-position pala), maghugas ng kamay (isteril teknik!), mag-abot ng gamit sa doc mula sa Mayo table (walang mayonnaise diyan, puro mga sterile na gasa, gunting, scalpel, forceps, etc), magsuot at magtanggal ng gloves, magbihis ng doctor (uy ansama ng isip niyo ah!), magbigay ng gamot, mag-sponge bath at mag-injection. Since wala pa kaming kamuwang-muwang, magmumuka lang kaming tanga kung haharap kami agad sa mga totoong pasyente. Wala rin kaming dummies kaya ang pinag-praktisan namin ay ang isa’t isa!

Kwentong Vital Signs:
Wala akong gamit nun. Nakapandaya at nakapanghiram sana ako pero sinapian akong katangahan. Nabuking ako kaya di ako pinayagan mag-demo. Bagsak for the day! Bago mag-demo yung friend ko pinag-praktisan niya ako sa pagkuha ng BP. Wala raw akong dugo.

Lessons learned: Kung mandaraya, wag maging tanga. At magdala ng sariling BP apparatus (a.k.a. sphygmomanometer, pero kahit kami hirap na hirap sabihin yan kaya ang bukambibig na lang namin “Bes, peram ng pam-BP mo.”)


Kwentong Hugas-kamay:
Medyo marunong na ako nitong mandaya. Kulang-kulang ang gamit pero naka-survive pa rin. Hiram ako ng kulang ko (“ate Rhoda, penge naman ng tissue.”) at hiram sila sakin ng kulang nila (“Sino may extrang toothpick?”). Tulungan ba. Yung iba pagandahan ng gamit at pabanguhan ng sabon ( “Wow friend! Victoria’s Secret din pala ang soap mo! Shower gel hane?” “Gaga, wala naman kasi silang liquid soap pangkamay talaga noh. Anong scent sa’yo? Sa’kin Strawberries and Champagne.”) Yung iba naman pa-astigan sa pagka-praktikal (“Magkano mo nabili yang surgical brush sa Mercury? Sabi ng mga higher years pwede na itong brush pang-manicure. Wala pang limang piso!”) Dito namin unang na-feel ang magiging trabaho namin kasi naka-costume kami nun na para talagang papasok sa opereating room: kumpleto sa mask, gloves, cap at scrub gown. Parang gusto ko sumigaw nun ng “Rider Change! Go go Power Rangers!”
Hindi basta-basta ang paghugas po namin ng kamay. As in sobrang OA! Mapupudpod ng sabon ang kamay mo (“Circular motion, Ms. Luciano! From cleanest to dirtiest!”) Dalawang beses ka maghuhugas kasi magka-iba ang clean technique sa sterile technique (I still don’t see why). Sa ikalawang beses, gagamit ka naman ng brush para tuluyang maubos ang balat mo sa kamay hanggang sa siko. Pati paglagay at pagtanggal ng gloves at gown may special procedure. We did the demo two at a time. Tinginan kami at gayahan kung tama ang ginagawa namin. Kaya mali-mali kami at tawa ng tawa.

Lessons learned :
1. The whole of college is a matter of standing on your own (and bringing your own stuff) as well as helping each other. Sounds contradicting pero ganun talaga.
2. Walang liquid hand soap ang Victoria’s Secret. Shower gel lang. (Ang sabon ko nun Funny Farm liquid hand soap na nilagay ko sa maliit na dispenser. Parehas donate ng tita ko. Walang kokontra, pero sa palagay ko lamang ako sa mga naka-VS kasi talagang pang-kamay ang gamit ko, mint scented pa! Sa partner ko Safeguard against 99.9% ng germs… Ok fine! Siya naman ang lamang sa’kin.)
3. Kailangan maging practical. At kumunsulta lagi sa mga upperclassmen.
4. Iba ang feeling ng naka-scrub.
5. You will always wish na ang duktor na katrabaho mo ay mabait, gwapo at hindi naninigaw para magaang ang loob mong bihisan, tulungan at punasan siya ng pawis sa O.R.
6. This whole thing can be fun. Pero dapat focused din kundi magmamali-mali kayo.
7. Importante sa lahat ang pagiging malinis.



Kwentong Turok:
Nung gamot na nag pinag-uusapan sa klase, alam na namin kung ano ang susunod – INJECTION! Sabi ng mga prof namin dapat maramdaman namin kung ano ang feeling ng tinuturukan bago kami tumurok ng iba. Kaya turukan kami. Nung nagdemo sila sa’min may mga nag-volunteer na maturukan ng distilled water ng mga prof. Kawawang J*****re, nagvolunteer na maturukan at lahat pero bumagsak parin ng Health Care 1. (Peace dude! Kaya mo ‘yan! I’m always behind you.) Pinapili agad kami ng partner na ka-close at pinagkakatiwalaan daw namin (nung Handwashing, alphabetical ang pagkaka-pares). Pipiliin ko sana isa sa mga friends ko, either Stanley, Elmer or John Michael, pero naalala ko na mabigat nga pala ang kamay ng mga lalaki. Pinili ko ang second courser na si Ate Rhoda. Isang demo lang ng mga prof tapos the next meeting kami na ang kakana. The whole week nag-practice ako sa kapirasong manok kasi ayokong masaktan masyado si Ate Rhoda. Super bait nun eh!
Red letter day, literally: Ako ang pinagprepare ni Ma’am ng ampule ng Vitamin C at liquid multivitamins for the whole class para sa intradermal injection. Big mistake niya kasi after that, tinago ko yung ampule na binuksan ko. Remembrance! (O ayan inaamin ko na. Ako po ‘yun) Para sa Intramuscular at subcutaneous injections naman kanya-kanya kami ng vial ng distilled water. Nagpa-una na kaming magturukan ni Ate Rhoda para maka-uwi na kami agad. Una ang pinakamadali: Intradermal, yung tipong sa ibabaw lang na layer ng balat para sa skin test kung allergic ka sa isang gamot (Hi and thanks to Jan-jan na ka-brod ni Stanley for that tuberculin syringe) Since marami na akong practice sa manok, maayos ang pagka-turok ko okay Ate Rhoda. Sa una nga lang, nakaka-kaba kasi ayoko talaga siyang masaktan. Pero nung mabilis ko naigawa, lumakas ang loob ko na gawin yung ibang injections. Si Ate sorry ng sorry sa’kin. Tatlong beses niya ako tinurukan para lang sa intradermal. Yung una, sabi ni Ma’am “Masyadong mataas yang turok mo. Dapat sa white part lang ng arm.” Sa loob-loob ko “Ma’am naman! Kung kelan naturok na saka mo sinabi!” Sa pangalawang beses naman lumabas ang gamot sa balat ko. Medyo panic na nito si Ate (“Sorry talaga, Delle!”) kaya I assured her na it’s ok. Nung pangatlong beses natumbok! Nag-“wheel” ang gamot. At batik-batik ang braso ko. Joke! Naging confident na rin siguro si Ate kaya natumbok namin ang IM at SC ng walang problema. Nakuha lang sa pag-pikit, paghinga ng malalim at sa pag-guide sa isa’t isa habang nagtuturukan. Mas nasaktan pa nga si Ate kasi yung tatlong style ng injection dinale namin lahat sa left arm niya. Ayaw niya kasi paturok sa kanan kasi daw baka hindi na siya makapag-drive pauwi.
May isa sa mga friends ko ang naluha. Naluha lang naman. Di ko sasabihin kung sino kasi baka magalit siya sa’kin. Baka masira ang manly image niya sa school. Sa mga nakaka-alam, ssssshhh! Hehehe!



Lessons learned:
1. Masakit ang maturukan. Mas mabigat ang pasok ng tubig sa kalamnan. Hindi raw masakit ang NSS. Ireresearch ko pa kung ano ang medium na ito. Ang alam ko lang mahal ‘yun.
2. Even macho men cry. Hmm… reputation niya ang pagiging walang puso. This proves them wrong…at least a little bit.
3. When you hurt other people for their own good, you need six things : conviction, the patient’s trust, focus, technique, speed and a good reason. (Wala sa notes ‘yan kasi guni-guni ko lang ‘yan. Kaya gago ka kung ime-morize mo ‘yan.)
4. Even old fears can be conquered. (see Unang Kwento)
5. Sa pagdalaw sa Barangay Health Center, I realized na sa mga liblib na pook, parang doctor na rin ang mga midwife. Wala kasing doctor. Andaming responsibility pala ng midwife: prenatal check-ups, infant check-ups, normal delivery ng babies (at kapag hindi normal trabaho din pala namin ang magtakbo ng mommy sa ospital), first aid para sa mga emergency, immunization, family planning, health teachings, counseling(!), at kung anu-ano pa. Ang pangit ng facilities, kulang ang gamot, maraming tsismis at mababa ang sweldo. Shit! .... asteeg.


And then came Summer Sem 2005…
I was determined na tapusin na ang lahat as soon as possible even if it meant na kahit bakasyon ay mag-aaral ako. Buti nalang required sa mga BSN (BS Nursing) na mag summer para sa N100 nila kaya marami akong friends mula sa Health Care 1 na kasabay (wala pa akong kilalang ibang estudyante ng Midwifery noon). Sabay-sabay kami nag Health Care 2.

Teka kudos muna sa mga pumasa ng sabay sa N100 at Health Care 2. Dalawang killer subjects yan na anlalaki ng units. Astig kayo mga dude! ^_^ Hi to my Groupmates nung sem na yun esp. Master Orson & Jojo at mga katropa nila; sa mga tropa nina Precious( boys and girls); sa mga tropa nina Lico (boys naman halos yun); sa kabilang ibayo (Group 3) na “close” daw ng group namin dahil kahati namin sila sa area.

Health Care 2 is for the most part COPAR (Community Organizing Participatory Action and Research). May konting background na rin ako sa community organizing thanks to my dad na prof ng Sociology sa PUP. Year 2004 nga sumama kaming magkakapatid sa kanya all over Cavite, Laguna, Batangas and Rizal sa pagmo-monitor ng mga estudyante niya na nagsi-CO. Tungkol iyon sa mga fishing villages sa mga freshwater lakes; this time diyan lang kami sa may depressed suburban area sa border ng Cainta at Taytay na ang negosyo ay paggawa ng basahan. Noon, tiga-kinig lang ako at tiga-nood (at tiga-kain ng bagong huling tilapia at tiga-inom ng kapeng barako! Yum!) Ngayon isa na ako sa mga community organizer at … HEALTH WORKER.

Ang Family Case Study group ay may 20+ na katao. Tatlong grupo kami sa isang section. Nagbahay-bahay kami ng interview at pumili sa para sa grupo ng matindi-tinding case. I sure hope we made a difference in their lives. Ito ang unang exposure namin sa mga pasyente at buti naman na ang una naming naging pasyente ay iyong mga talagang nangangailangan.

Eto naman ang mga natutunan ko nung Health Care 2
1. Pumili ng case na madrama para mabigat ang dating. Pero dapat yung nabibigyan ng solusyon within time limits niyo. (Ilang weeks lang kasi ang COPAR)
2. Teamwork! Teamwork! Teamwork! Ang tawag sa’min na health professionals pero hindi naman duktor ay Allied Medical Team. Hindi pwedeng mag-isa po tayo. Makipag-tulungan dapat at makisama sa mga duktor, PT, RadTech, Nurses, Midwives, Nutritionists, barangay health worker, janitors ng ospital, etc, etc…
Ang mga taong kailangan sa isang grupo para makabuo ng case study ay mga tigadesisyon, tiga-utos, mga karpentero, mga pintor, mga magaling mambola at makipag-usap sa tao, mga may inside know-how, mayayamang tao, mga walang pera, mga madaling utusan, taong mabilis magtype at magaling sa lay-out at Powerpoint, taong matalino at madiskarte (kahit hindi niyo kagrupo at kahit hindi na estudyante), meticulous and perfectionist critics, mga taong seryoso at hindi seryoso, good hagglers, mga magsyota na panonoorin ang PDA at kaiinggitan, neat freaks, tiga-kulit na pampagising, good secretaries and treasurers, green people, weirdos na masarap pag-usapan, tiga-bili, tiga-luto at tiga-kain ng food, taong madaldal, magagaling sa English, magagaling sa Tagalog, mga sipsip, mga pasaway! nice sweet gentlemen na mabait sa lahat (“Ang swerte naman ng asawa niya sa kanya. Sana pag nag-asawa ako ganyan din.”), mga mapulitika, hopeless romantics, taong masayahin, mga sugarol (tong-it, pusoy or…sabong!), matataray, mga matitilihin at takbo ng takbo, mga patay na bata, tardy people, taong mainipin (para daw magmadali kami), singers and dancers (kahit paglasing lang sumasayaw), taong mahaba ang pasensya, mga tsismoso at tsismosa, mga cute para may magandang titigan pag pagod ka na, jokers, mga lasenggero, mga naglalaro ng truth or dare, mga madaling malasing, taong hindi marunong mahiya, sensitive people, mga manhid, mga import mula sa kabilang grupo (Hello to Mitzi & Co.), mga masisipag, mga takaw-tulog. Kung isa ka sa mga nabanggit, baka isa ka sa mga naka-grupo ko nun. At kung magulo basahin ang mga sinulat ko sa dami ng mga nabanggit, kailangan niyo ng mahusay na lider. Salamat sa inyo ha. Oo nga pala may dalawa pang klaseng tao na kailangan: maiintindihing mga magulang at mga masuportang mga prof.
3. Natutunan ko rin na politics is evil. Mula sa pinaka-mataas na tao sa gobyerno hanggang sa pinakamababang estudyante.
4. Nakaka-bad trip pala gumawa ng kabutihan sa mga taong hindi deserving (tamad, burara, atbp.) Pero we still tried kasi kailangan.
5. Hindi lang dapat sakit ang pagtuunan ng pansin sa isang tao. Dapat bigyan ng atensyon ang kabuuan ng buhay niya kasi baka naroon ang susi sa kanyang kalusugan (or lack of therewith).
6. Poverty sucks! We feel so blessed. Not even Health Centers are created equal. Depende lahat sa pondo, at kung nagagamit ng tama ang pondo.
7. Sa pagpunta sa community, marami ang maggamit: PHN bag, Type B uniform na maganda ang pagkakadesign at pagkaka-print, wristwatch, payong, a good plan of action, bolpen at papel, backpack, maraming maraming tubig, Vitamin A para sa Operation Patak, Pang-test ng iodized salt, pako, martilyo, lagare, kahoy, alambre, yero, kawayan, graba, hollow blocks, pintura (may nagdonate ng kulay MMDA, astig!), vitamins (lalo na kung merong may TB sa pamilyang napili), surgical gloves na ginawang working gloves, mapag-oorderan ng budbod (charap!), karton, lab tests, health centers, referrals ng mga duktor, face towel, lumang dyaryo, garbage bags, walis, basahan, sabon, dustpan, truck ng basura, lubid (pantali kay lola sakaling harangin niya ang truck ng basura. Joke!), alcohol (pero wag mag-alcohol sa harap ng family, bad yun kasi baka isipin nila pinandidirihan natin sila), mango shake, pamasahe at extra money, lamig ng ulo, bola ng basketball, shorts, rubber shoes, mga pwedeng kalaro sa kabilang group, basketball court, panlatag na karton sa basketball court kung gusto niyong matulog, dalawang sasakyang malaki (Hi! kay Ryan..nagreet ko na si Master diba?), gas money, digital cam, extra t-shirt, baby powder, suklay at cologne para mukha at amoy tao ka pa rin pag-uwi.



8. May mga problemang personal pala na kahit pilit mong iwan sa bahay ay nakaka-apekto pa rin sa gawaing estudyante. For which, I deeply apologize.


9. Ang mga bagay na kailangan naman sa paggawa at pagpresent ng case study ay utak, kape, daldalan, respeto sa isa’t isa, sounds!, info at suporta mula sa ibang group, venue ng kabilang group na pwedeng bahay o school (Thanks Kuya Loi!), dalawang computer na sabay niyo pagaganahin, diskettes na may lamang limang “masterfile” (we got so confused with this one), laptop para kahit saan pwede kayo kumana ng write-ups, printer, kuryente, maraming ink at papel, kanya-kanyang bolpen, bahay na malaki na walang tao, pera (lots of it), maraming pagkain (especially bibingka at balat ng manok), food budget, cellphone na may camera para sa mga “scandal” na magaganap, cellphone na may load para sa pagpapaalam sa magulang, extra load at number ng mga kagrupo for fast communication (“Asan ka na Fidelle?” “Nandito na po ako, nagsi-CR lang!”) yosi, tsismis!, videoke, mga higaan (sofa, kama, silya, o kahit sahig pwede na), extrang damit (uniform kung may klase sa N100 kinabukasan), inspiration (ahem!), dining table na pagkatapos niyo kumain ay pupunasan para gawing discussion table, materials sa paggawa ng model spot map, baraha, alak, tawanan, bote na pang truth or dare, big, open and quiet venue na malayo sa school for rehearsals, digital projector, folders, make-up, AVR, lakas ng loob…

Marami pa akong natutunan nung Health Care. Mga bagay na effect kahit ngayon. At kahit itanong niyo sa mga prof ninyo, importante ang Health Care dahil ito ang foundation natin. Kapag pumapalpak tayo sa duty iisipin ng mga clinical instructors “Sino kayang naging prof ng kumag na’to nung Health Care?” The whole thing made me think “Hey, I can do this. This may not be so bad after all.”


0 Comments:

Post a Comment

<< Home